Site icon Philippine Asian News Today | FILIPINO Canada News Vancouver

Janice de Belen goes gaga over K drama

Janice de Belen is a big fan of Korean drama so she is delighted to be part of GMA-7’s groundbreaking series, “My Korean Jagiya.”

“It was three years ago when I got hooked on Korean dramas and their culture after ma-interview ko si Lee Min Ho, na naging favorite ko pero napalitan siya ni Lee Soo Hyuk, at ngayon si Song Joong Ki na ang paborito ko kaya na-depressed ako nang malamang kong pakakasal na siya sa sa leading lady niya sa ‘Descendants of the Sun’ at maghapong mainit ang ulo ko noon,” she related. “Seven times na akong nakapunta sa Korea and on my own, I’m even learning how to speak their language. Malala na, ‘di ba? ‘Yung mga anak ko nga, give up na sa’kin sa sobrang pagka-addict ko sa things Korean. Pero sabi ko sa kanila, ano ang mas gusto nyo, ito na lang na K addict ako o mag-boyfriend ako?”

So does she have a lovelife now?

“Wala. Nine years na since huli akong makipag-date. Marami ngang inirereto sa’kin ang friends ko, pero tumatanggi ako. Parang nasanay na akong walang boyfriend. Sabi nga ni Chanda Romero, the world will know when you are ready to have a boyfriend. Sa ngayon, parang hindi ko naman na kailangan. Ang sarap kaya noong nakakapunta ako kahit saan ko gusto nang wala nang pinagpapaalaman. Pero kung talagang may darating, kahit naman magtago ka pa, mahahanap ka pa rin niya. If it’s your fate, it’s your fate.”

She’s happy with her role in “My Korean Jagiya.”

“Auntie ako ni Heart Evangelista at lahi namin ang mga old maid, pati ang brother kong gay rito na si Ricky Davao, old maid na rin. Pero ako, nagkaasawa, kaya lang, bago pa kami nakapag-honeymoon, natigok na agad ‘yung asawa ko kaya virgin pa rin ako. Masaya ‘yung show kaya abangan nyo.” (M. Bautista, Malaya)

Exit mobile version