Babaeng tumulong sa pasaherong naaksidente sa MRT: ‘Ginawa ko lang po yung dapat gawin’

  • Page Views 3372
  • Itinuturing na bayani si Charleanne Jandic, ang babae na nakita sa mga balita na nangunguna sa pagtulong sa babaeng naputulan ng braso matapos maaksidente sa Ayala station ng MRT-3 nitong Martes.  Marami ang nag-akala na taga-MRT si Jandic na kinalaunan ay natuklasan na pasahero rin pala gaya ng biktima.

    Sa panayam nitong Miyerkoles, sinabi ni Jandic, tubong Polomonoc, South Cotabato, at postgraduate medical intern sa Chinese General Hospital and Medical Center, na sumakay siya ng MRT para bisitahin ang isang tiyahin.

    Habang nasa naturang istasyon, nangyari ang hindi inaasahan nang mahilo ang biktimang si Angeline Fernando at mahulog sa riles kung saan nahagip siya ng papaalis na tren na naging dahilan ng pagkaputol ng braso niya.

    Nang makita ang pangyayari, hindi nagdalawang-isip si Jandic na tumulong para mabigyan ng paunang lunas si Fernando.

    “Medyo mahirap nang konti kasi duguan siya, so nag-focus ako doon sa pinaka-concern, which is ang naputol na bahagi ng braso niya,” kuwento niya.

    Binalutan niya ng cardigan ang sugat at tinalian ng sinturon mula sa isang pulis para mapigilan ang pagdurugo. Ipinakuha rin niya ang naputol na braso na naiwan sa riles.

    Nagpapasalamat si Jadic sa mga guwardiya dahil sinunod nila ang kaniyang mga sinasabi.

    “Siguro po further first aid training [ang kailangan] to cover situations gaya ng kahapon,” patungkol niya sa training na kailangan pa ng mga guwardiya para sa malalang sitwasyon gaya ng nangyari kay Fernando.

    Sumama rin si Jadic sa ambulansya na nagdala kay Fernando sa Makati Medical Center, at umalis lang nang maayos na kondisyon nito.

    Dahil sa pagtulong-tulong ng mga sumagip kay Fernando sa pangunguna ni Jadic, hindi lang naisalba ang buhay ng biktima kung hindi naikabit pa ang naputol niyang braso.

    At kahit itinuturing ng marami na malaking bagay ang nagawa ni Jandic, para sa kaniya, “”Ginawa ko lang po talaga ‘yung dapat gawin.”

    Naniniwala rin siya na sinumang tao na may kaalaman sa naturang sitwasyon ay kikilos rin para tulungan ang biktima.

    FRJ, GMA News

    Share

    New Posts Recently publish post More

    • 01 June 2023
      18 hours ago No comment

      B.C. promotes equity with anti-racism research priorities

      VANCOUVER – The Province takes another step improving access to government programs and services for Indigenous Peoples and racialized communities, with the release of 12 priorities for anti-racism research. Seven research priorities were put forward by the provincial Anti-Racism Data Committee. Indigenous Peoples recommended three research priorities and two ...

    • 01 June 2023
      19 hours ago No comment

      Filipino Musicians on Stage at Pinoy Festival Burnaby

      “Magmula no’ng ako’y natutong umawit, naging makulay ang aking munting daigdig…kay ganda ng ating musika Ito ay atin, sariling atin at sa habang-buhay awitin natin!”. Maestro Ryan Cayabyab wrote masterful lyrics and a melodic tune that continues to characterize OPM (Original Filipino Music) ever since it’s debut in the ...

    • 01 June 2023
      19 hours ago No comment

      1 million Filipinos in Canada to mark heritage month in June

      It’s June, and it’s Filipino Heritage Month across Canada. The community has grown over the years, and Filipinos now number close to one million. Based on Statistics Canada projections, Filipinos are expected to number over two million across Canada in 2041. The 2021 Census established that a total of ...

    • 25 May 2023
      1 week ago No comment

      Parliamentary secretary’s statement on Anti-Racism Awareness Week

      Mable Elmore, Parliamentary Secretary for Anti-Racism Initiatives, has released the following statement in recognition of Anti-Racism Awareness Week: “Anti-Racism Awareness Week, from May 22-26, 2023, is an opportunity for British Columbians to learn about B.C.’s diverse culture and history, and to consider how they can help fight discrimination, racism ...

    • 25 May 2023
      1 week ago No comment

      Remembering Tina Turner

      Tina Turner, the pioneering rock’n’roll star who became a pop behemoth in the 1980s, has died aged 83 after a long illness. She had suffered ill health in recent years, being diagnosed with intestinal cancer in 2016 and having a kidney transplant in 2017. In a statement on Wednesday ...

    %d bloggers like this: