Sharon meets President Duterte; skips KC’s jewelry line launch

  • Page Views 1630
  • Labis ang saya ni Sharon Cuneta para sa nakatatandang kapatid na si Chet Cuneta dahil nakita na nito nang personal ang idolong si Presidente Rodrigo Duterte.

    Sa pamamagitan ng Instagram, ipinasilip ng Megastar ang mga kaganapan sa private dinner kasama ang Pangulo ng Pilipinas nitong Martes, March 20.

    Ayon kay Sharon, iniidolo ng kanyang kapatid si Pangulong Duterte kaya isang napakahalagang pagkakataon ang okasyon kagabi.

    “My beloved only brother with the exact same DNA as mine, Chet, @chetdc9 finally met his idol and hero tonight.

    “My Daddy was a good friend of the President’s.

    “Kuya and I always find ways to make each other happy.

    “Tonight, I was not only happy and honored to have dinner with Pres. Duterte, but also to make my Kuya the happiest I’ve ever been able to make him.

    “Hope you’re happy, Daddy! I love you so much, Kuya ko.

    “And thank you, Mr. President. We pray that God’s hand be upon you so that you may steer our country where He knows it will be best! May God bless you, sir. (Miss you, Mayor Inday!)(Thanks so much for everything, @bernsrpBerna! Luv u!)”

    CONFLICTING PARTIES.

    May ilang nagulat sa post na ito ni Sharon, na misis ni Senator Kiko Pangilinan.

    Si Pangilinan ang kasalukuyang presidente ng Liberal Party, ang katunggaling partido ni Pangulong Duterte na Partido Demokratiko Pilipino–Lakas ng Bayan (PDP-Laban).

    Pero sa sumunod na Instagram post ni Sharon, nilinaw niyang walang problema kay Kiko ang pakikipagkita nilang magkapatid kay Pangulong Duterte

    Sa katunayan, magiliw pang nagkuwento si Sharon kay Kiko tungkol sa mga nangyari sa kanilang private dinner kasama si Pangulong Duterte.

    “He’s so chill and happy that kuya and I are happy!

    “Di naman personal ang di nila pagkakasundo sa pulitika, sabi nga ni Tatay Digong kanina eh – they respect each other even if they disagree on certain things.

    “Well – that’s why it’s nice that we live in a free country.

    “Politics? Temporary. My Dad was the President’s good friend? Hey – deal closed!

    “Blessed to have a hubby like my dork.”

    ABSENT AT KC’S AVEC MOI LAUNCH.

    Samantala, binigyang linaw rin ni Sharon ang hindi niya pagdalo sa launch ng jewelry line ng kanyang panganay na si KC Concepcion, na naganap din kagabi kasabay ng private dinner nila kasama si Pangulong Duterte.

    Isang netizen ang nagtanong kay Sharon tungkol dito.

    Base sagot niya, tila nakapag-usap naman silang mag-ina tungkol sa conflict ng schedule.

    Bagamat hindi nakadalo sa naturang event, nagbigay naman ng mensahe si Sharon kay KC sa pamamagitan din ng Instagram post.

    Sabi ni Sharon, “Congrats, my dearest panganay! I am so proud of you and am happy that people now have a chance to see this side of you – your other artistic talent! I love you. Very much. No one could be prouder!!! @itskcconcepcion”

    by: N. Almo, pep

    Share

    New Posts Recently publish post More

    • 31 March 2023
      2 days ago No comment

      Moira Live in Vancouver Press Conference at Grandt Kitchen

        Get ready for a night of love and music with Moira Dela Torre, TJ Monterde & Zephanie Dimaranan! Catch them Live in Vancouver on Friday March 31, 2023 at Aria Banquet Hall & Convention Centre. Don’t miss out on this unforgettable concert filled with original OPM sound, love ...

    • 31 March 2023
      2 days ago No comment

      Letting Go with Lani Maestro & Michael Fernandes

        The conversation at the Vancouver Art Gallery proved to be up close and personal. The zoom event was not an art lecture but, as promised, an “impromptu, unrehearsed conversation” between the Offsite artist Lani Maestro, artist Michael Fernandes and the people joining them by Zoom. At least 40 ...

    • 31 March 2023
      2 days ago No comment

      PBA Greats Alvin Patrimonio, Atoy Co, Jerry Codinera wish ‘Iron Man’ LA Tenorio well

        “Bakit pa nga ba ako tinawag na Iron Man kung hindi ko kayang gampanan ang ibig sabihin nito.” Thus, was how Philippine basketball’s ’Iron Man,” LA Tenorio told this writer in an interview a week before Christmas Day three years ago in answer to query why he should ...

    %d bloggers like this: