Site icon Philippine Asian News Today | FILIPINO Canada News Vancouver

KC reacts to Phil Young husband’s comment

kcconcepcionBuhat nang magbalik si KC Concepcion sa bansa ay hindi pa raw nila napag-uusapan ng kan­yang rumored boyfriend na si Pi­olo Pascual ang kanyang naging experience sa Africa last week. “Hindi pa siya nagtatanong. Ayo­kong mag-volunteer ng informa­tion. Busy po kasi siya sa Noah at saka sa future niya,” natatawang sagot ni KC.

Looking forward ngayon ang dalaga sa pelikulang pagsasama­han nila ni Sam Milby. “Si Direk Cathy ay makakausap na namin, and I think tuloy na tuloy na yung movie and it’s exciting,” pahayag ni KC.

Ang balita ngayon ay hindi raw kumportable si Piolo kung mag­kakaroon man ng kissing scenes sina KC at Sam sa pelikulang gagawin nila. “I don’t think that’s true. Very dedicated sa work niya bilang aktor at alam din naman niya. Bakit naman siya kailangang ma-affect? Feeling ko ay hindi na­man totoo, si PJ pa, napaka-sen­sitive na tao nun,” dagdag pa ng aktres.

Inamin the other day ng Az­kals heartthrob na si Phil Youn­ghusband na crush daw niya si KC. Ano kaya ang naramdaman ng dalaga sa revelation na ito ng football player? “Siyempre go Az­kals! It’s nakakatuwa kasi I think, ang daming pwedeng pagpilian. Madaming magaganda sa ABS­CBN sabi nila, it’s really flatter­ing and more than that, I’m just thankful that he still appreciates Pinays sa lahat ng napuntahan niya at sa lahat ng babaeng na­kita niya sa mundo,” nakangiting sagot ni KC.

Exit mobile version