Site icon Philippine Asian News Today | FILIPINO Canada News Vancouver

Guess who has a talent fee of P1B?!

Usap-usapan na Php1B ang talent fee ng isang talent na bagong pirma ng kontrata sa isang network, pero hindi raw totoong Php360,000 per taping day ang tf nito sa gagawing soap. Ang laki ha! Pero hindi lang daw para sa soap ang Php1B tf ng talent dahil  marami itong gagawing show sa network. Kung ganyan kalaki ang tf niya, worth it ang pagpirma niya ng kontrata sa network at sa mga trabahong gagawin.

Bahala na kayong manghula kung sino ang tinutukoy namin sa mga bagong pumirma ng kontra­ta ang may ganu’n kalaking tf.
* * *
Ngayong nakabalik na sina Dingdong Dantes at Marian Ri­vera mula sa birthday treat ng aktor sa GF, mapag-uusapan na nina Marian at ng kanyang team at mga taga-GMA Network ang mga project na gagawin ng ak­tres sa bago niyang kontrata. Sa contract signing, nabanggit ni Marian na soap at sitcom ang kanyang gagawin.

 

Bago pa pumirma ng kontrata si Marian, nabalita nang gagawin nito ang Bayarang Puso sa direc­tion ni Maryo J. Delos Reyes at makakasama sana sina Lorna Tolentino, Alden Richards at Gloria Romero. Naiba na ang casting dahil si LT, nasa Genesis na at si Alden, hindi sure sa next project niya.

Nalaman namin na today mag­mi-meeting para sa soap ni Mar­ian at si Direk Maryo pa rin yata ang director.

Exit mobile version