• Page Views 3537
  • Gretchen-BarrettoMatagal nawala sa Pilipinas si Gretchen Barretto. Sinamahan niya ang kanyang nag-iisang anak na si Dominique Cojuangco sa London, kung saan ito nag-aaral ngayon. Ngayon ay balik-Pinas na ang aktres at may sisimulan siyang pelikula para sa Star Cinema. Makakasama ni Gretchen dito sina Richard Gomez, Jessy Men­diola, at John Lloyd Cruz. Sa story conference ng natur­ang pelikula noong Lunes, No­vember 25, sa 14th floor ng ELJ Bldg., sa ABS-CBN, nakausap ng PEP.ph (Philippine Entertainment Portal) at ilan pang miyembro ng media si Gretchen.

    Dito ay tinanong ang ak­tres kung nakatulong ba ang bakasyon niya sa London upang mahilom ang sarili sa masasakit  na pinagdaraanan niya dahil sa lumalalang away ng pamilya Bar­retto.
    Sagot ni Gretchen, “I can’t say na nag-heal. “So, I can’t deny na masakit kung sa masakit… nakakagulo, nakakagulo “But, nakakabangon din.

    “The love that other people have and the support, yun ang parang itinataas ka para buman­gon ka.
    “Of course, tinawagan ako ng ABS CBN, ‘Come home, the project is ready, let’s have a meet­ing.’
    “So, nandito ako.” Dagdag niya, “Hindi ko rin ma­sasabi na walang sama ng loob.
    “Mayroong sama ng loob, mayroong sakit.
    “Yun, hindi ko na made-deny yun, that’s it.”
    Pero ayon din kay Gretchen, “Kailangang ibahin ko na ang utak ko, hindi puwedeng puro na lang sakit.
    “‘Yang sakit na ‘yan, I will re­serve it. I will keep it somewhere.
    “Gagamitin ko na lang pag nag-shooting uli ako.
    “Pag kailangan ko ang emo­syon na ‘yan, gagamitin ko.
    “That is going to make it more positive.
    “Makikita ninyo sa pelikulang ito, lahat ng sakit, ilalabas ko. “Pagkakakitaan ko, hindi yung  sayang naman.
    “May pinagdaanan ka na, e, gamitin ko na lang.”
    SUPPORT SYSTEM. Sabi pa ni Gretchen, kahit nasa London siya noon ay parang nasa Pilipi­nas pa rin siya dahil sa ipinaparat­ing na pagmamahal at suporta ng kanyang mga kaibigan.
    “Nung nasa London ako, yung suporta ng mga kaibigan, kung anuman ang pinagdaanan ko, nandun.
    “Nagti-text, nag-i-Skype, nag­i-email, nagpe-Facebook, private message…
    “Naramdaman ko na parang nasa Pilipinas lang ako.
    “Naramdaman ko na maram­ing naniniwala sa akin, maraming nagmamahal.
    “And, hindi ako tumigil sa pag­darasal.

    Share

    Leave a Reply

    This site uses Akismet to reduce spam. Learn how your comment data is processed.

    New Posts Recently publish post More

    • 14 January 2021
      4 days ago No comment

      Philippines confirms first case of COVID variant

      The Department of Health (DoH) on Wednesday (January 13) confirmed that the COVID-19 variant first reported in the United Kingdom has reached the Philippines. The B117 variant was detected in a sample taken from a Filipino who arrived from the United Arab Emirates (UAE). The male patient from Quezon ...

    • 08 January 2021
      1 week ago No comment

      Markus & Janella proud new parents to son Jude, no wedding bells yet

      Actor Markus Paterson shared his happiness now that he and his girlfriend Janella Salvador finally introduced their baby Jude to the public. Paterson opened up about their son on Wednesday in the online show “We Rise Together.” “Well ‘yung proseso? Well, alam naman na one day we are going ...

    • 07 January 2021
      2 weeks ago No comment

      Bea Alonzo claims 2021 will be a ‘spiritual year’ for her

      Actress Bea Alonzo on Sunday took to social media to share her realizations on life as she welcomes the new year. On Instagram, Alonzo said she hopes to emerge a better person in 2021. “Let the sunshine in. Last year brought so many changes in my life, and changes ...

    • 07 January 2021
      2 weeks ago No comment

      Santos to file ABS-CBN renewal bill in the House after Sotto filed in the Senate

      Reacting to a query from reporters, Deputy Speaker and Batangas Rep. Vilma Santos said she will revive the rejected ABS-CBN legislative franchise application in the House of Representatives before session resumes on January 18. Santos welcomed the move by Senate President Vicente Sotto III who filed a bill granting ...

    %d bloggers like this: