Site icon Philippine Asian News Today | FILIPINO Canada News Vancouver

Fanny Serano gives update on friend Sharon Cuneta

Nakausap natin ang celebrity beauty expert na si Fanny Serrano na isa sa malalapit na kaibigan ng Megastar na si Sharon Cuneta. Marami na ang excited na makitang muli si Sharon na focus ngayon sa kanyang comeback. At isa sa paghahanda nito ay ang pagbabawas niya ng excess na timbang.

“Yung diet na ginagawa niya bongga, she is very happy now  and preparing for her comeback. Sabi ko nga dahan dahanin nya lang huwag biglain hindi kasi tama kapag biglaan so dinadahan dahan niya kumbaga take time lang siya. Kung makikita nyo siya ngayon fresh na fresh siya habang nagda diet.”

Nagpigil sa pag kuwento si Fanny sa mga naka line up na gawin ni Mega sa kanyang comeback basta’t muli daw magiging  aktibo si Sharon bilang singer at aktres.

“She is very happy and excited at the same time sa lahat ng Sharonians mag abang lang kayo and pray na tuloy tuloy siya kasi ang ganda ng mga mangyayari sa kanya pero hindi ko pa pwede sabihin basta may magandang plano para kay Sharon, plano para sa sarili niya at sa showbiz career niya.”

Naramdaman din ni Fanny na kung marami ang nakaka miss kay Sharon sa showbiz, nami miss na rin ni Sharon ang mundo na nakasanayan nito.

“Malaki na ang nabawas na weight sa kanya pero sabi ko sa kanya na bawas pa pero makikita na sa face niya at katawan na malaki na ang ibinawas na timbang, kumbaga importante sa akin ang dahan dahan na nawawala ang  excess weight basta tuloy tuloy siya. Noong birthday celebration niya nagkaroon ng kantahan tapos noong kumakanta siya iba ang boses niya tapos nabanggit niya concert na concert na ako kantang kanta na ako, doon ko lang nakita si Sharon na nagsalita ng ganoon so talagang nasabi ko na nami miss niya ang showbiz.” (push.com.ph)

Exit mobile version